Higit 5,000 ecstasy tablets mula UK nasabat sa bodega sa Pasay

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2020 04:27 PM

MAYNILA — Nasa mahigit 5,000 tabletas ng ilegal na drogang ecstasy ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Pasay City nitong Lunes.

Narekober ang mga ecstasy tablets sa isang bodega sa Pasay City. 

Galing umano sa United Kingdom (UK) ang ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P9 milyon.

Isinilid ang mga droga sa loob ng kahon ng paper shredder nang madiskubre sa warehouse. 

Itinurnover na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga ecstasy habang patuloy ang paghahanap sa consignee ng kontrabando.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.