Petrolyo may taas-presyo sa susunod na linggo

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2019 05:02 PM

MAYNILA — Pagkatapos ng 3 linggong magkakasunod na rollback, tataas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Tinatayang dagdag-presyo sa petrolyo sa Martes:

  • Gasolina → P0.30-P0.40/litro
  • Diesel → P0.10-P0.20/litro
  • Kerosene → P0.20-P0.30/litro

    
Maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng gasolina.

Nasa P0.10 hanggang P0.20 naman ang imamahal ng diesel at P0.20 hanggang P0.30 sa kerosene.

Sabi ng traders, tumaas kasi ang presyo ng imported na petrolyo sa world market.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.