P5.6 milyong halaga ng ilegal na droga nakuha sa hotel sa BGC

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2019 09:55 AM | Updated as of Jun 15 2019 07:07 PM

Watch more in iWantTFC

MANILA - Hindi bababa sa P5.6 milyong halaga ng ilegal na droga ang natagpuan ng mga awtoridad sa isang safety deposit box sa lobby ng isang hotel sa Taguig madaling araw Sabado. 

Humigit kumulang 2,700 ecstasy tablets, 200 gramo ng hinihinalang cocaine at 14 na vial ng vape liquid ang nakita ng mga awtoridad sa loob ng isang safety deposit box na iniwan umano ng isang Domingo Uy, ani Joel Plaza, Regional Director ng Philippine Drug Enforcement Agency - National Capital Region.

Si Uy ang pinakamalaking supplier umano ng droga sa mga bar sa Bonifacio Global City, ani Plaza.

Nahuli siya ng mga awtoridad noong Mayo matapos makuha ang P8.5 milyon na halaga ng droga sa kaniyang inuupahang kuwarto sa naturang hotel.

Nakikipag-ugnayan na ang PDEA sa mga hotel at iba pang katulad na establisimyento sa lugar upang labanan ang pagkalat ng droga.


—May ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News


 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.