Mag-live-in partner, timbog sa droga sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2019 05:26 PM

DAVAO CITY—Arestado ng mga operatiba ng Santa Ana Police ang 2 magka-live-in matapos umano makuhanan ng droga sa buy-bust operation sa sarili nilang bahay sa Gotamco, Brgy. Leon Garcia, Agdao district sa lungsod na ito Biyernes.

Kinilala ang suspek bilang si Monico Abude at Fernanda Pogoy.

Dalawang sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha sa kanila.

Ayon kay Police Capt. Angelito Tape, officer-in-charge ng Santa Ana Police, mga bagong drug personality umano ang 2 at ang mga parokyano nila umano ay mga vendor, padyak driver at mga skilled worker.

Pero mariing itinanggi ng dalawa na kanila ang mga nakuhang droga.

Nahaharap sa paglabag ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mag-live in partner. — Ulat ni Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.