Mag-asawa patay nang masagasaan ng sports car sa Iloilo City

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2019 04:52 PM

ILOILO CITY - Patay ang mag-asawa matapos masagasaan ng isang sports car sa lungsod na ito nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang dalawang biktima na sina Joemari at Alnie Dinah Osano. Si Joemari ay principal ng isang public elementary school sa Iloilo City at guro naman ang kaniyang asawa sa hiwalay na paaralan.

Ayon sa imbestigasyon, tumatawid sa pedestrian lane ang mga biktima papunta sa Iloilo River Esplanade para mag-jogging.

Habang tumatawid, bigla umanong nag-overtake ang sports car sa kaharap nitong truck at nabundol ang dalawang biktima.

Nakaladkad pa umano si Joemarie nang ilang metro mula sa pedestrian lane.

Dead on the spot si Joemarie at namatay sa ospital si Alnie.

Na-aresto naman ang driver ng sports car.

Desidido naman ang pamilya ng mga biktima na kasuhan ang driver ng reckless imprudence resulting in multiple homicide.

--Ulat ni Joyce Clavecillas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.