ALAMIN: Mga kasong posibleng kaharapin ng Kapa Ministry

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2019 06:25 PM | Updated as of Jun 15 2019 07:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Kamakailan ay sinalakay ng mga awtoridad ang ilang opisina ng Kapa Community Ministry International (Kapa Ministry) dahil sa umano'y pagkakasangkot ng religious group sa investment scam.

Kasunod ito ng pag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang operasyon ng kompanya dahil sa mga reklamong natanggap.

Ayon kay Atty. Noel Del Prado sa "Usapang de Campanilla" ng DZMM, patong-patong na kaso ang maaaring isampa laban sa grupo kung mapapatunayan ang bintang na investment scam.

"Organisasyong relihiyoso man ito o hindi, ang hindi nila maikakaila ay 'yung kanilang ginagawa, na kapag nanghikayat sila na magbigay ng pera at iyong pera ginagarantiya nila ang malaking tubo, 'yan talaga ay malinaw na (paglabag)," ani Del Prado.

Bukod sa posibleng paglabag sa Securities Regulation Code, maaari umanong managot sa kasong estafa ang mga namumuno sa Kapa dahil sa kanilang mga pangakong malakihang investment.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.