P1.8-M halaga ng shabu nasabat sa Albay; 6 arestado

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2018 05:46 PM

Nasabat ang P1.8 milyong halaga ng ilegal na droga sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa isang hotel sa Albay nitong Biyernes.

Nasa kustodiya ngayon ng PDEA si Elmer Cunthada at ang magkasintahan na kasama nito na sina Marlon Fernandez at Lorraine Santiago.

Nasa P1.5 milyong halaga ng shabu ang narekober mula sa mga suspek.

Ayon sa PDEA, si Fernandez ang target ng kanilang operasyon dahil isa umano ito sa mga malaking supplier ng ilegal na droga sa Bicol.

Samantala, naaresto rin ng PDEA sina Jomel dela Cruz, Jan Mark Rapisura na anak ng punong barangay sa bayan ng Guinobatan, at Jose Tabuena Jr. na target ng operasyon at anak ng may-ari ng isang pribadong paaralan sa Albay.

Nakuha mula sa tatlo ang P300,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.