Kennon road sarado sa mga motorista

Melinda Ramo, ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2018 07:09 PM

Isinara muna ang Kennon Road sa Baguio City sa mga motorista dahil sa mga nahuhulog na bato. Photo courtesy of DPWH-CAR

BAGUIO CITY - Pansamantalang isinara ang Kennon Road sa Tuba, Benguet sa mga motorista nitong Biyernes ng hapon.

Sarado muna ang kalsada mula alas-5:30 ng hapon dahil umano sa mga nahuhulog na bato sa lugar, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pinapayuhan ang mga motorista na sa Naguilian Road at Marcos Highway na lang muna dumaan para makaiwas sa anumang aksidente dulot ng mga naghuhulugang bato.

Tuloy-tuloy kasi ang pag-ulan sa Benguet simula pa noong isang linggo dahil sa habagat.

Magpapalabas muli ng abiso ang DPWH kung kailan muling bubuksan ang Kennon Road.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.