Babaeng nakaposas natagpuang patay sa gilid ng kalsada sa Camarines Sur

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2018 05:35 PM

SAN FERNANDO, Camarines Sur - Natagpuang patay ang isang babaeng nakaposas sa isang bahagi ng Barangay Buenavista dito sa bayan, Biyernes.

Dinatnan ng mga pulis ang bangkay na naka-posas ang dalawang kamay, at nakagapos ang leeg at paa. Binalutan din ito ng malong sa mukha.

Maliban sa suot nitong asul na t-shirt at puting shorts, may suot ang bangkay na 2 pulseras.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng bangkay dahil walang bag o ID na natagpuan dito. 

Base sa eksaminasyon ng crime laboratory, 6 hanggang 12 oras nang patay ang babae.

Hinihintay pa ng mga pulis kung may mga kaanak na maghahanap sa biktima bago nila ito isailalim sa autopsy upang malaman ang sanhi ng pagkamatay ng babae.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.