NFA: Huwag magsayang ng kanin, kumain nang sapat

Carolyn Bonquin, ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2017 02:08 PM | Updated as of Jun 15 2017 03:03 PM

MAYNILA - Huwag magsayang ng kanin. 

Ito ang paalala ng National Food Authority (NFA) sa harap ng mga panawagan ni Senador Cynthia Villar sa mga Filipino na magbawas ng konsumo sa kanin. 

Ayon kay NFA Spokesperson Mayette Ablaza, tinatayang 2 subo ng kanin ang nasasayang ng mga Pinoy bawat araw. Maaari aniya itong umabot sa 3 milyong sako ng kanin sa loob ng isang taon.

Kung aabot aniya sa 654,400 sako ng kanin nationwide ang daily consumption ng mga Pinoy, lumalabas na kayang mapakain ang buong bansa ng nasasayang na kanin sa loob ng 4 na araw. 

Muling paalala ni Ablaza, kumuha lang ng kayang ubusin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.