PatrolPH

Holdaper patay matapos makipagbarilan umano sa mga pulis

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2022 05:45 PM

MAYNILA — Patay ang isang 'di pa nakikilalang lalaki sa Malate, Maynila nitong Lunes ng gabi matapos umanong makipagbarilan sa mga nagpapatrolyang pulis.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, lumapit sa barangay ang biktimang si Nino Crisanto dahil may nangholdap umano sa kaniya sa kanto ng Leon Guinto at Aragon.

Agad nagpatrolya sa lugar ang mga pulis kasama ang biktima. Natyempuhan nila ang suspek na naglalakad sa may kanto ng Taft Avenue at Castro.

Aarestuhin na sana nila ang suspek pero bigla umano itong bumunot ng baril at itinutok sa mga pulis. 

Sa puntong iyon, pinaputukan ng mga pulis ang suspek na siya nitong ikinamatay.

Nakuha sa suspek ang baril at nabawi ang cellphone na ninakaw sa biktima.

— Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

 MULA SA ARCHIVE

Watch more News on iWantTFC


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.