PatrolPH

ALAMIN: Kailan maituturing na 'fully vaccinated' ang indibidwal

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2021 07:29 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Nilinaw ng Department of Health (DOH) kung paano maituturing na "fully vaccinated" na ang isang indibidwal na naturukan ng kompletong doses ng bakuna kontra COVID-19.

Sabi ni DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire, hindi porke't tapos na ang doses ay masasabing nakuha mo na agad-agad ang buong benepisyo ng bakuna. 

"Pag nakuha niyo na po 'yung second dose niyo, hindi po kinabukasan ay lalabas na kayo kasi para ma-define na fully vaccinated, you need to wait at least 2 weeks after the second dose for you to have that potential of the vaccine and say that you can be protected nitong bakuna na ibinigay sa inyo," paliwanag ng opisyal.

Aniya, wala pang sapat na ebidensiya na mapipigilan ng mga bakuna ang pagkalat o transmission ng virus kaya posible pa ring mahawa o makapanghawa kahit fully vaccinated na. 

Kaya paalala ng mga awtoridad sa publiko, mag-ingat pa rin at sumunod sa health protocols.

Samantala, inaasahang iaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes ng gabi ang bagong quarantine classifications sa buong bansa. 
 
Ayon sa Palasyo, malaki ang posibilidad na isailalim na sa "regular" na general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region at mga karatig-lalawigang Rizal, Cavite, Laguna, at Bulacan. 

Sa ngayon kasi, nasa mas mahigpit na "GCQ with heightened restrictions" ang mga nabanggit na lugar.

"Is it likely to be MGCQ? I have very serious doubts na magiging MGCQ po iyan. Is it likely na magiging regular GCQ? Most likely po," sabi ni Presidential spokesman Harry Roque.

—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.