PatrolPH

Bangkay natagpuan sa nasunog na cargo vessel sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2021 11:45 AM | Updated as of Jun 14 2021 12:09 PM

Bangkay natagpuan sa nasunog na cargo vessel sa Maynila 1
Nasunog ang isang cargo vessel sa Tondo, Maynila noong Hunyo 12, 2021. Retrato mula sa Manila Public Information Office

MAYNILA — Natagpuan nitong umaga ng Lunes ang isang bangkay mula sa nasunog na cargo vessel sa Delpan Wharf sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Comm. Armand Balilo, wala pang pagkakakilanlan ang bangkay.

Sabado nang masunog ang barko habang nakadaong sa pier, kung saan hindi bababa sa 6 ang nasugatan at isang crew ang nawawala.

Ayon sa PCG, nagpapakarga ng langis ang vessel bago bumiyahe patungong Palawan nang biglang makarinig ng malakas na pagsabog ang kapitan nito.

Nadamay sa sunog ang nasa 100 bahay sa gilid ng katubigan.

Ayon sa mga residente, inanod ang mga nasusunog na drum ng krudo at inabutan ang kanilang mga bahay na nakatayo sa pampang.

— Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.