2 pulis-Cebu patay sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2020 04:12 PM

Dalawang pulis sa Cebu City ang pumanaw ngayong Linggo dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Isa sa mga namatay ay nakatalaga sa Abellana police station habang ang isa ay miyembro ng crisis response battalion, ayon kay Cebu City police officer-in-charge Col. Cyrdric Tamayo.

Naospital ang dalawa matapos makaranas ng sintomas ng COVID-19.

Na-test sila noong unang linggo ng Hunyo. Makalipas ang isang linggo, lumabas ang resulta na sila'y positibo sa sakit, ayon kay Tamayo.

"This doesn’t lower our morale, we cannot just stop working because we need to implement the law," ani Tamayo.

Nasa 48 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Cebu City police.

Dalawang police station - Mabolo at Guadalupe - ang naka-lockdown matapos magpositibo sa sakit ang ilang tauhang nakatalaga doon.

-- Ulat ni Annie Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.