PatrolPH

Nagbibisikletang lalaki, patay sa pamamaril

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2019 10:38 AM

Nagbibisikletang lalaki, patay sa pamamaril 1
Inaalam pa ng awtoridad kung ano ang motibo at kung sino ang salarin sa krimen. Donna Lavares, ABS-CBN News

Patay ang dating seaman matapos na pagbabarilin sa Toledo City, Huwebes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Ronnie Obenza.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagbibisikleta ang biktima nang pagbabarilin ng lalaking sakay ng motorsiklo.

Naganap ang insidente may ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima sa Barangay Bato.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.