ALAMIN: Mga kalsadang aayusin sa Kamaynilaan, June 14-17

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2019 02:22 PM

MAYNILA — Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking at repair sa iba't ibang bahagi ng Kamaynilaan simula alas-11 ng gabi Biyernes, Hunyo 14. 

Kabilang sa mga maaapektuhang kalsada ang EDSA, Katipunan Avenue, at C-5 Road.

Magtatagal ang pagkukumpuni hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Hunyo 17. 

SOUTHBOUND:

  • EDSA bago mag-Aurora Boulevard (outermost lane) at Aurora Boulevard - Arayat (innermost lane)
  • EDSA Magallanes – Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes – Alabang Bus Stop (outer lane)
  • Katipunan bago ang Katipunan/Aurora Flyover (ikatlong lane mula sa sidewalk)

SOUTHBOUND:

  • C-5 Road kaharap ng SM Aura at Market-Market (inner lane)
  • EDSA bago mag-General Roxas Avenue, hanggang pagkatapos ng Aurora Boulevard

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na daan at dumaan sa mga alternatibong ruta.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.