50 tiklo dahil sa paglabag sa mga ordinansa sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2019 04:49 AM

MAYNILA - Dinampot ng mga pulis ang 50 katao sa simultaneous anti-criminality and law enforcement operation sa Pasay City nitong Huwebes.

Ayon kay Police Lt. Col. Deanry Francisco ng Pasay City police, karamihan sa mga hinuli ay lumabag sa ordinansa ng siyudad, kabilang ang pag-inom at pag-ihi sa kalsada.

Tatlong Chinese national din ang dinala sa estasyon dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar.

Dagdag ni Francisco, ang ilang ay inaresto dahil sa ilegal na droga at iba't ibang kaso, gaya ng pagnanakaw. - Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.