20 katao tiklo sa police ops sa Cebu

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2019 01:14 PM

Isa sa mga nahuli sa buy-bust operation ang babaeng suspek na umamin din na gumagamit ng ilegal na droga. Donna Lavares, ABS-CBN News

TALISAY CITY, Cebu – Kulungan ang bagsak ng 20 kataong nahaharap sa mga kasong illegal drugs, gambling at carjacking sa isinagawang operasyon ng pulisya simula pa Martes sa Talisay City.

Ayon sa Talisay Police, sa loob ng 2 araw nila nahuli ang mga suspek sa ikinasang Synchronized Enhanced Managing of Police Operations o SEMPO.

Bukod sa mga nagbebenta ng shabu na nahuli sa buy-bust operation, karamihan sa mga nadakip ay naaktuhang nagsusugal.

Kabilang sa mga nahuli ang isang babae na nakunan ng hinihinalang shabu sa buy-bust sa Sitio Mananga 2 sa Talisay City.

Inamin naman niya na nagbebenta at gumagamit siya ng shabu.

"Gusto ko na ring magbago, dahil kasi sa peer pressure napilitan akong gumamit,” sabi niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.