Mga ligaw na bala, tumagos sa kapitolyo ng Lanao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2017 09:12 AM | Updated as of Jun 14 2017 09:50 AM

Nagdulot ng pangamba ang pagtagos ng isang bala Miyerkoles ng umaga sa kapitolyo ng Lanao del Sur.

Ayon sa ulat ng DZMM, isang bala ang lumusot sa grounds ng kapitolyo kasabay ng malakas na putok ng baril kanina.

Tumama ang bala sa isang puno na ikinabali ng isang malaking sanga nito.

Nasa tabi lamang ng nasabing puno ang isang tent kung saan ginaganap ang press conferences hinggil sa kaganapan sa Marawi City.

May ilang bahagi rin ng gusali ng kapitolyo ang may mga butas mula sa mga ligaw na bala.

Ang kapitolyo ng Lanao del Sur ay kalapit lamang ng kampo ng 101st Brigade ng Philippine Army.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.