PatrolPH

P25.8 milyong halaga ng marijuana sinunog sa Kalinga

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2021 11:59 AM | Updated as of Jun 13 2021 03:29 PM

P25.8 milyong halaga ng marijuana sinunog sa Kalinga 1
Natunton ng mga awtoridad ang taniman ng marijuana sa bayan ng Tinglayan, Kalinga. Retrato mula sa PNP-DEG-SOU-CAR

Tinatayang aabot sa P25.8 milyon ang halaga ng mga marijuana plant na nahanap at sinunog ng mga awtoridad sa bayan ng Tinglayan, Kalinga.

Ayon sa Cordillera region police, nagkasa sila ng 2 araw na operasyon noong Biyernes at Sabado, at nahanap ang 5 marijuana plantation site sa bayan.

Ikinasa umano ng mga pulis ang operasyon matapos makatanggap ng intelligence report na nagsasabing may malakihang marijuana plantation sa bulubundukin bahagi ng bayan.

Sa kabuuan, umabot sa 152,000 piraso ng full-grown marijuana plants ang nakuha na nagkakahalagang P25.8 milyon, sabi ng pulisya.

— Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.