PatrolPH

Delivery truck at isang sasakyan, na-aksidente sa EDSA

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2021 07:45 AM

MAYNILA - Tumagilid ang isang sasakyan at nasira naman ang harapan ng truck matapos ma-aksidente sa EDSA southbound sa Quezon City, madaling araw ng Linggo. 

Bumangga ang isang delivery truck sa center island o yung concrete barrier sa Quezon Avenue flyover. Sa lakas ng impact, nasira ang railing at tumilapon ang ilang parte sa kalsada.

Nadamay pa ang isang MPV o multi-purpose vehicle na tumagilid sa lakas ng tama sa sasakyan.

Maraming mga pira-pirasong semento mula sa concrete barrier ang nagkalat sa service road ng EDSA.

Yupi rin ang harapan ng delivery truck na nagbibigay serbisyo umano sa isang online shopping app.

Wala namang nasugatan sa mga sakay ng truck at MPV. 

Pansamantalang sinara ang daan para sa clearing operation, pero binuksan din ito pasado alas-2 ng madaling araw.

Iniimbestigahan pa kung ano ang naging sanhi ng pangyayari at kung may pagkukulang ang driver.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.