PatrolPH

Dating university president patay sa pananaga sa Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2021 01:31 PM

Natagpuang patay sa pananaga nitong madaling araw ng Linggo ang isang dating university president sa bahay nito sa Catarman, Northern Samar, ayon sa pulisya.

Kinilala ng Northern Samar police ang biktima bilang si Rolando Delorino, 64 anyos, dating presidente ng University of Eastern Philippines.

Ayon sa imbestigasyon, nagising ang anak ni Delorino at nakita na lang ang biktima na duguan at nakahandusay malapit sa pintuan ng kusina ng bahay.

Dinala pa sa ospital ang biktima pero idineklara rin siyang dead on arrival.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis ang krimen.

-- Ulat ni Ranulfo Docdocan

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.