Mga stranded mula Cebu City bawal muna sa Baybay City

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2020 11:20 AM

Pansamantala munang ipinatitigil ng Baybay City sa Leyte ang pagtanggap ng mga stranded na residente mula sa Cebu City sa gitna na patuloy na COVID-19 pandemic. 

Sa isang sulat, sinabi ni Baybay City Mayor Jose Carlos Cari na ito ay upang bigyan ng panahon ang City Inter-Agency Task Force COVID-19 na mapigilan ang pagdami ng kaso ng coronavirus sa lungsod at mas matutukan ang contact tracing.

Ang sulat ay naka-address sa mga opisyal ng Philippine Coast Guard at mga shipping lines na nagpapatakbo ng mga biyaheng dagat sa gitna ng dalawang siyudad.

Umabot na sa 20 ang kaso ng COVID-19 sa Baybay City, Leyte.pinakamaraming kaso ng coronavirus. 

Lahat ito ay mga umuwi sa lungsod na mga overseas Filipino worker, stranded individual at maging ilang kasama sa unang batch ng Balik Probinsya program ng gobyerno.

Pinakabata sa mga pasyente ay isang 4 buwang gulang na sanggol.

Isa naman ang Cebu City sa mga lungsod sa bansa na may pinakamaraming naitalang kaso ng coronavirus na nasa higit 2,500 na. 

- ulat ni Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.