Lalaki patay nang mabaril ng kainuman sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2019 02:07 PM

MAYNILA — Napatay noong gabi ng Miyerkoles ang isang lalaki matapos umanong mabaril ng kaniyang kainuman sa Caloocan City.

Magkasama sa inuman alas-10 ng gabi sa Phase-7B, Barangay 167 ang biktimang si Aries Bulaon, 26, at ang suspek na may dalang baril, ayon sa ulat ng Northern Police District.

Aksidente raw nakalabit ng suspek ang gatilyo ng kaniyang baril kaya natamaan ng bala sa kanang dibdib si Bulaon.

Tumakas ang suspek habang isinugod sa ospital si Bulaon na idineklara ring dead on arrival, ayon sa ulat.

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.