Buntis, 2 bagong laya timbog sa buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2019 10:47 AM

MAYNILA — Arestado nitong Huwebes sa drug operation sa Quezon City ang isang buntis at dalawang bagong laya mula Bilibid dahil sa pagbebenta umano ng droga.

Naaresto nitong madaling araw ng Huwbes ang suspek na si alyas "Jessica," 18, sa isang bahay sa Pasong Tamo.

Target ang 5-buwang buntis na si Jessica ng buy-bust operation ng Talipapa police station.

Itinanggi niyang nagbebenta siya pero umaming lulong siya sa droga.

Kasama rin sa nahuli ang 2 lalaking ex-convict na bagong labas lang sa Bilibid noong isang linggo.

Itinanggi ng dalawa ang pagkakasangkot sa droga.

Kulong ang mga suspek sa Talipapa police station.

—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.