3 patay sa banggaan ng motorsiklo, bus sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2019 06:01 PM

Patay ang 3 sakay ng isang motorsiklo nang mabangga sila ng kasalubong na bus sa Barangay Tabu-ac, bayan ng Toboso, Negros Occidental. Larawan mula kay Cherryl Magan

TOBOSO, Negros Occidental—Tatlo katao na magkaangkas sa motorsiklo ang namatay matapos na mabangga ng kasalubong na bus sa Barangay Tabu-ac sa bayang ito Huwebes ng umaga.

Nakilala ang mga nasawi na sina Junrey Bawaan, Arnel Selma, at isang 15-anyos na lalaki.

Ayon sa pulisya, magkaangas sa motorsiklo ang tatlong nasawi at may hinahabol na isa pang motor.

Nabangga sila ng kasalubong na bus nang makarating sa pakurbadang daan sa naturang barangay.

Dead on the spot si Bawaan, habang sa ospital na binawian ng buhay ang dalawa niyang kasama.

Nakakulong na ngayon sa estasyon ng pulisya ang driver ng bus.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.