Mga relo, ibinalik sa may-ari nang mag-viral ang video ng umano’y pandurukot

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2018 08:27 PM

DAVAO CITY—Ibinalik ng isang ginang nitong Miyerkoles ang 4 na relo na umano'y nakita at napulot sa isang plastic bag sa loob ng isang jewelry shop sa San Pedro Street sa lungsod na ito

Ayon kay alias "Sandy" naisipan niyang ibalik ang mga nawalang gamit ni May Anne Hilario Panteros na isang online seller matapos makita ng kaniyang anak na kumalat na sa social media ang CCTV footage ng pagdampot niya sa isang plastic bag na naiwan sa sahig.

Humingi ng tawad si Sandy kay Panteros at ipinaliwanag niyang di niya intensyong nakawin ang mga relo at isasauli rin niya ito.

Pinatawad ni Panteros si Sandy ngunit nagbanta na magsampa ng kaso kung magpapatuloy ang umano'y mandurukot sa ilegal na gawain.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.