Huwes, patay nang barilin ng kapitbahay sa Camarines Sur

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2018 11:36 AM

PRESENTACION, Camarines Sur - Patay ang isang huwes ng San Jose-Lagonoy Municipal Circuit Trial Court matapos barilin ng kaniyang kapitbahay sa Barangay Sta. Maria dito sa bayan, Martes.

Nasa labas nang kaniyang bahay ang 49-taong gulang na huwes na si Ricky Begino nang barilin ito sa leeg ng 'di pinangalanang suspek, ayon sa mga awtoridad.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit kalauna'y binawian din ng buhay sa pagamutan.

Patuloy pang hinahanap ng mga pulis ang suspek na nakatakas matapos ang insidente.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay dahil ayon sa iba pang mga kabarangay ay wala namang alitan sa pagitan ng biktima at ng suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.