2 nangholdap sa Sampaloc, napatay ng mga pulis

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2018 06:05 AM

MAYNILA - Patay ang 2 hinihinalang holdaper matapos maka-engkuwentro ang mga pulis sa Sampaloc, Maynila Miyerkoles ng madaling-araw.

Dead on the spot sa gilid ng tulay ang isa sa mga suspek.

Sinubukan namang itakbo sa ospital ang isa pero hindi na umabot ng buhay.

Nangyari ang engkuwentro matapos mangholdap umano ang mga suspek ng isang babae.

Kuwento ng biktima, biglang dumating ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

"Sinabi sa akin holdap. Sabi ko, kuya, huwag po. Tapos naglabas na ng baril at sabi, amin na gamit mo," aniya.

Nakuha ang kaniyang bag na may 2 cellphone, I.D. at pera.

Nakahingi agad ng tulong ang biktima sa mga rumorondang pulis.

Ayon kay Supt. Andrew Aguirre ng Sampaloc police, nagkaroon ng engkuwentro matapos magpaputok ang mga suspek.

Narekober sa crime scene ang ninakaw na bag, isang kalibre .38 na baril, at motorsiklong gamit ng mga suspek. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.