Lalaki, tiklo sa droga sa Iloilo

Joyce Ann Clavecillas, ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2017 03:18 AM

ILOILO – Isang lalaki ang tiklo sa isang buy-bust operation sa Pavia, Iloilo nitong Lunes.

Arestado si Sandy Salcedo, 44, matapos niyang bentahan ng P30,500 halaga ng shabu ang isang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-6 sa isang public transport terminal sa Brgy. Ungka II, Pavia.

Ayon sa PDEA-6, si Salcedo ang namamahala sa terminal at dito umano isinasagawa ang mga transaksyon niya ng iligal na droga. Kabilang ang suspek sa high value target list ng PDEA-6.

Anak ng dating mayor ng bayan ng Concepcion ang suspek at dati rin itong nagsilbi bilang town councilor dito.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.