Dalaga, pinugutan umano ng nobyo sa loob ng sementeryo

Danielle Rebollos, ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2017 11:07 AM | Updated as of Jun 13 2017 01:23 PM

ALICIA, Isabela - Patay ang isang 20-anyos na dalaga matapos umanong pugutan ng kaniyang nobyo sa loob ng isang sementeryo, Linggo.

Ayon sa mga imbestigador, nakita ang magkasintahang sina Mary Ann Colobong at Erick Sampaga na pumasok sa sementeryo habang nagtatalo noong Linggo ng hapon.

Sinabi ng ilang saksi na may hawak na patalim ang suspek na si Sampaga habang papasok ng libingan.

Lumalabas sa imbestigasyon na bandang alas-kuwatro ng hapon, nakita na lamang ang walang ulong katawan ng biktimang si Colobong sa ibabaw ng isang puntod habang ang ulo naman niya ay iniwan sa loob ng isang museleyo.

Nahaharap sa kasong murder si Sampaga na pinahihinalaan ng mga awtoridad na may problema sa pag-iisip.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.