Bata, nalunod sa ilog sa Ilocos Sur

Ria Galiste, ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2017 04:28 PM

Patay ang isang apat na taong gulang na batang lalaki matapos malunod sa ilog sa bahagi ng Barangay Pantay Tamurong, Caoayan Lunes ng hapon.

Nakilala ang bata na si Calvin Kames.

Nakita umano siya ng kanyang pinsan na sumama sa iba pang bata patungong ilog upang mag-swimming. Ilang minuto lamang ay bumalik ang isa at ibinalitang nalunod na si Kames.

Itinakbo pa sa opsital ang bata pero idineklara dead on arrival na.

Sa malalim na bahagi ng ilog lumangoy ang bata.

Hindi na niya ito nakayanan dahil hindi rin marunong lumangoy ang bata.

Paalala naman ng awtoridad sa mga barangay officials na maglagay ng mga warning signs sa gilid ng mga ilog upang hindi puntahan ito ng mga bata.

Para naman sa mga magulang, huwag papayagang magtungo sa ilog o dagat ang mga bata kung walang gagabay sa kanila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.