1 patay sa pamamaril sa Marikina

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2017 11:38 AM

Patay ang isang lalaki matapos barilin ng riding in tandem sa Ibarra Compound, Champaca Street, Marikina City Martes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Glen Monteverde, anak ng isang negosyante na may trucking business.

Sa imbestigasyon, bumisita lamang sa lugar si Monteverde nang bigla na lamang siyang barilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Tama sa kaliwang sentido ang ikinamatay ng biktima.

Hindi pa tukoy kung si Monteverde nga ang pakay ng mga salarin o nadamay lamang.

Inaalam pa ang motibo ng pagpaslang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.