(UPDATE) Pansamantalang nakalaya ngayong Linggo ang 83 na magsasaka, estudyante, journalists at advocates na hinuli sa Brgy. Tinang, Concepcion, Tarlac noong Huwebes.
Ayon sa abogado ng mga hinuli, nakapagpiyansa na ang 83 sa mga na-detain sa Concepcion Municipal Police Station bandang 7 ng gabi ngayong Linggo.
Inaresto ang mga ito dahil umano sa pagsira sa tubuhan ng isang kooperatiba sa Barangay Tinang noong Huwebes dahil a alitan sa karapatan sa lupa na pinag-aagawan dahil sa Agrarian Reform Law.
Kinumpirma ng abugado ng mga nahuli na naaprubahan ang petition/motion for reduction of bail sa kalahati.
“Nakapag-raise kami ng more than a million P1.6 siguro, pumayag yung prosecutor sa half yung bail and then yung nireduce ni judge ng P12,000 each kaya na-put up namin yung pangpiyansa," paliwanag ni Atty. Jobert Pahilga, ang abogado ng grupo.
Ayon sa PNP, kailangan pang dumaan sa proseso ang pag-release.
“As a matter of procedure, dadaan sila sa normal procedure po kapag may nairerelease po tayong arrested persons ay kailangan po muna natin lang ipamedical just to make sure na mairelease sila in good physical condition po at syempre po kailangan po particularly yung mga estudyante po ay mairelease po sa kanilang magulang to make sure na doon po sila sa kanilang mga authorize na parents and individuals or guardians sila mairelease po," paliwanag ni Fajardo.
Noong Biyernes, una na nang ni-release ang 8 sa 91 na nahuli for further investigation.
Nakatakda ang arraignment at pre-trial sa malicious mischief at illegal assembly laban sa 83 sa Biyernes.
- ulat ni Gracie Rutao
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.