PatrolPH

Lalaki patay, 774 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Cebu City

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2022 12:47 PM

Patay ang isang lalaki habang 774 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa Barangay Punta Princesa, Cebu City noong gabi ng Sabado.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi bilang si Ebert Feniza. Bukod sa kaniya, isang bombero umano ang nasugatan sa insidente.

Ayon sa imbestigador na si Chief Inspector Ethel Margaha, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Jocelyn Daniel.

Kumalat ito hanggang sa natupok ang 566 bahay.

Nahirapan umano ang mga bombero sa apulahin ang sunog dahil dikit-dikit ang mga bahay at inabot nang 3 oras bago nagdeklarang under control ang apoy.

Tinatayang nasa higit P16.5 milyon ang halaga ng pinsala.

Kasalukuyang sa barangay gym tumutuloy ang mga apektadong pamilya.

Inaalam din ang sanhi ng sunog at ang dahilan ng pakamatay ni Feniza.

— Ulat ni Annie Perez

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.