PatrolPH

Halos P7-M halaga ng shabu, marijuana sinunog sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2021 04:20 AM

Halos P7-M halaga ng shabu, marijuana sinunog sa Davao del Norte 1
Kuha ng PDEA XI

DAVAO CITY — Sinunog ng pulisya at mga tauhan ng PDEA nitong Biyernes ang milyon-milyong ilegal na droga na nasamsam sa buong Davao Region.

Higit 300 gramo ng shabu ang sinunog na may halos P4.7 milyon, kasama ang nasa 19 gramo ng marijuana na may P2.2 milyong halaga, sa Tagum City, Davao del Norte.

Ang pagsunog ng mga iligal na droga na ito ay alinsunod sa nakasaad sa Section 21 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act na kailangang sunugin o sirain ang mga ebidensya na ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa PDEA Davao Region, isinagawa ito para mawala ang hinala ng iba na nire-recycle umano ang mga iligal na drogang nakukumpiska.

—Ulat ni Chrislen Bulosan

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.