PatrolPH

16-anyos na notoryus sa panloloob ng mga bahay sa QC tiklo

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2021 09:58 PM | Updated as of Jun 13 2021 08:26 PM

Watch more on iWantTFC

Arestado ang isang menor de edad na suspek sa serye ng panloloob sa Matandang Balara sa Quezon City. 

Ayon sa pulisya, edad 16 ang lalaki at nahulihang pumasok sa 3 bahay sa iisang compound sa loob ng isang araw. 

Ayon sa ilang biktima, mga cellphone, wallet, at pera ang ilan sa mga nakuha sa kanila. 

Nakunan din sa pagnanakaw ang binata sa isang pawnshop, tindahan, at dental clinic. 

Pinost pa umano ng suspek sa social media ang isa sa krimen. 

Natunton naman daw siya ng barangay dahil sa nakilala sa suot na face mask. 

Pinapakawalan din ang suspek sa mga gantiong sitwasyon matapos isailalim sa counseling, ayon kay Barangay Chairman Allan Franza. 

Sasampahan na umano ng kaukulang kaso ang menor de edad dahil sa paulit-ulit na krimen. — Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.