PatrolPH

100,000 doses ng Sputnik V vaccine, dumating sa Pilipinas

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2021 12:56 AM | Updated as of Jun 12 2021 04:38 AM

100,000 doses ng Sputnik V vaccine, dumating sa Pilipinas 1

MAYNILA (UPDATED)— Dumating sa Pilipinas Biyernes ng gabi ang nasa 100,000 karagadagang doses ng Sputnik V vaccine na galing Russia.

Lumapag sa NAIA Terminal 3 ang Qatar Airways Flight QR928 lulan ang mga bakuna bago mag-alas 11 ng gabi. 

Sinalubong ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang shipment, kasama si Russian Ambassador Pavlov Marat at iba pang mga opisyal.

Ani Galvez, ilalagay muna sa buffer stock ang mga bakunang ito at idedeploy kung saan kinakailangan.

“Because of the sensitivity of our cold chain requirement, it will be given to NCR Plus. Magbibigay din tayo sa ibang area tulad ng Baguio City at ibang areas na may cold chain facilities," aniya.
 
Pero pagtitiyak naman niya, hindi mapapag-iwanan ang ibang mga lugar na humihingi ng bakuna.

Dadalhin sa Pharmaserv Warehouse sa Marikina City ang mga bakuna bago ito ipamahagi sa mga LGU at health faciltiies sa mga susunod na araw.

Matatandaang may nauna nang nai-deliver na nasa 50,000 doses ng naturang bakuna noong Mayo.

Sa kabuuan umabot na sa 180,000 doses ng Sputnik V vaccines ang dumating sa bansa kasama na ang mga nakaraang deliveries.

Tiniyak naman ni Russian Ambassador Marat Pavlov na masusundan pa ang deliveries ng Sputnik V sa Pilipinas.

“I think we will like to increase the supply, but I cannot disclose yet how many will arrive this month. We like to help the Filipinos,” aniya.

—Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.