SUV tumagilid sa QC; 1 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2019 12:39 PM

Isa ang sugatan nang tumagilid ang isang SUV sa kahabaan ng Mother Ignacia Avenue sa Quezon City nitong Miyerkoles.

Wasak na wasak ang sasakyan at malubhang sugatan ang sakay nito.

Ligtas naman ang driver at isa pang sakay.

Ayon sa pulis at kagawad na rumesponde, wala namang nakabanggaan ang sasakyan at self-accident umano ang nangyari.

Napakabilis umano ng takbo ng sasakyan at muntik pa makasagi ng police mobile.

Ayon sa pulis, nakainom din ang mga sakay nito. Agad naisugod sa ospital ang sugatang sakay.

Hindi nagbigay ng pahayag ang driver ng kotse.

-- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.