Suspek sa pagnanakaw sa mga mall, arestado sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2019 04:53 AM

MAYNILA - Arestado ang isang dating call center agent na suspek sa pagnanakaw sa mga mall sa Maynila.

Natunton si Rose Ann Sanchez na may kasong theft sa Barangay San Isidro Galas, Quezon City.

Itinuturing ng Sampaloc police ang 27 anyos na suspek na isa sa mga most wanted person ng estasyon.

Ayon kay Police Capt. Philipp Ines, tagapagsalita ng Sampaloc police, unang nahuli si Sanchez at kaniyang magulang noong 2013 dahil sa pagnanakaw sa mga mall sa Maynila.

Nakapag-bail ang suspek pero hindi na bumalik sa mga pulis noong kailangan siya. Ang kaniyang magulang ay nakakulong. - Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.