P3.4 milyon 'shabu' nasamsam sa 2 magkaibigan sa CamSur

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2019 04:20 PM

MILAOR, Camarines Sur - Dalawang magkaibigan ang arestado sa buy-bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay Tarosanan sa bayan na ito noong Martes. 

Naaresto ang dalawang suspek nang tumanggap umano sila ng P1.2 milyong marked money. 

Nakuha sa mga suspek ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P3.4 milyon. 

Kapwa itinanggi ng mga suspek ang paratang sa kanila at sinabing iligal na itinanim umano sa kanila ang droga.

Kabilang si Salcedo sa listahan ng high-value target ng mga otoridad. Ito na rin umano ang ikatlong beses na nahuli si Salcedo. 

Nakatakdang kasuhan ang dalawang suspek nitong Huwebes sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. 

--Ulat ni Rizza Mostar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.