Lalaking nanlaban umano sa buy-bust, patay

Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2019 03:07 PM

Pinoproseso na ng Scene of the Crime Operatives ang pinangyarihan ng krimen. Jennifer Garcia, ABS-CBN News

ILOILO CITY - Isang pinaniniwalaang high value target ang nabaril sa buy-bust operation sa isang subdivision sa Barangay Guzman-Jesena, Miyerkoles ng tanghali.

Ayon sa pulisya, napatay ang subject ng operasyon na si Giovanni Mejica, 37-anyos.

Nanlaban umano ito kaya nabaril ng mga pulis.

Narekober ng mga pulis sa loob ng bahay nito ang isang granada. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.