Dishwasher tiklo sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2019 04:51 AM

MAYNILA - Timbog ang isang dishwasher ng bar sa buy-bust operation sa Barangay Payatas, Quezon City Miyerkoles ng hatinggabi.

Nasamsam sa babaeng suspek ang nasa P170,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Police Lt. Col. Joel Villanueva ng Batasan Police Station, dumarayo sa Quezon City mula Bulacan ang suspek para mag-supply ng droga.

"Siya nagbabagsak sa Commonwealth, Payatas... Big-time 'yan," aniya.

Giit ng suspek, inutusan lang siyang maghatid ng package sa dati niyang amo kapalit ng P300.

"'Di ko naman po alam na shabu 'yun. 'Di nga po ako gumagamit. 'Di rin ako umiinom," aniya.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.