Car wash boy patay sa pamamaril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2019 04:49 AM | Updated as of Jun 12 2019 04:50 AM

MAYNILA - Patay ang isang car wash boy matapos barilin sa Barangay Batasan Hills, Quezon City Miyerkoles ng hatinggabi.

Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib si Bernard Macaspac, 40 anyos.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, binaril ng hindi pa kilalang salarin ang biktima sa harap ng bahay nito.

Nakatakbo pa ng ilang metro si Macaspac bago tuluyang humandusay sa tabing kalsada.

Palaisipan sa kinakasama ng biktima ang motibo sa insidente, pero dati nang sumuko sa Oplan Tokhang si Macaspac.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.