Barangay chairman, patay sa pamamaril sa Laguna

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2019 03:14 PM

Patay ang isang barangay chairman matapos na pagbabarilin sa Barangay Bubukal sa Sta. Cruz, Laguna, Martes ng gabi.

Ayon sa Laguna Police, nakilala ang biktima na si Toctoc Pandakila, barangay chairman sa Bagong Silang sa bayan ng Lumban.

Ipinapasada umano ng biktima kasama ang isang barangay tanod ang kaniyang van at makikipagtagpo na sana sa kaniyang pasahero.

Dahil hindi kabisado ang lugar, nagtanong ang biktima sa isang lalaki na nasa kalye pero sa halip na sagutin ay pinagbabaril siya ng 4 na beses.

Nagawa pa ng biktima na imaneho ang van hanggang sa mahulog sa kanal kung saan siya muling pinagbabaril ng 3 beses.

Tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.