ALAMIN: Bakit Hunyo 12 ang Araw ng Kalayaan?

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2019 03:53 PM | Updated as of Jun 12 2019 03:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Bakit nga ba Hunyo 12 idinadaos ang Araw ng Kalayaan?

Ayon sa abogadong si Noel Del Prado, nakaukit ang desisyong ito sa pakikibaka ng mga Pinoy sa kanilang kalayaan kontra sa mga Español noong Hunyo 12, 1898.

"'Yung June 12 heto iyung talagang pagdedeklara ng Pilipino kung puwedeng agawin ang sarili nating kalayaan," paliwanag ni Del Prado sa "Usapang de Campanilla" ng programang DZMM.

Noo'y idineklara na Hulyo 4 ang "Araw ng Kalayaan" sa bisa ng Tydings-Mcduffie Law, alinsunod sa tuluyang pagbibitaw ng Amerikano ng kanilang poder sa Pilipinas noong 1946.

Pero noong 1964, isinabatas ang Republic Act 4166 sa termino ni dating Pangulong Diosdado Macapagal, para ilipat ang Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Sa halip ay ginawang "Republic Day" ang Hulyo 4 para ipagdiwang ang pagtatag sa unang republika ng Pilipinas. Noong panahon naman ni Marcos ay pinalitan ito ng "Philippine-American Friendship Day."

"Siguro ito ay masasabi nating batas ng advocacy, sinasabi natin na pagihikayat ng pinuno ng bayan na balikan 'yung mahabang pakikibaka ng mga bayani noong nakikibaka tayo laban sa Kastila," ani Del Prado.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.