7 lalaki timbog sa Tondo buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2019 04:57 AM

MAYNILA - Arestado ang 7 lalaki sa buy-bust operation sa Juan Luna St., Tondo, Maynila.

Narekober sa mga suspek ang 15 sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P54,000.

Ayon kay Police Capt. Val Valencia ng Manila Police District (MPD) Station 7, nakabili ang poseur buyer ng droga mula kay alyas Odin.

Nang magpositibo ang transaksiyon, hinuli rin ang ibang lalaki na nakabili rin umano ng droga kay Odin.

Napag-alaman ng mga pulis na mga construction worker ang parokyano ni Odin.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.