6 sugatan sa karambola ng 5 sasakyan sa C5

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2019 09:17 PM | Updated as of Jun 12 2019 09:28 PM

Kuha ng MMDA

MAYNILA—Sugatan ang 6 katao, kabilang ang 2 sanggol, matapos magkarambola ang 5 saksakyan southbound ng C-5 McKinley nitong Miyerkoles ng gabi.

Isinugod sa Taguig Pateros Hospital ang mga sugatan, ayon sa Philippine Red Cross.

Ayon sa MMDA, 2 taxi, 2 truck, at 1 van ang sangkot sa aksidente at nagdulot ito ng katamtaman hanggang sa mabagal na daloy ng trapiko. 

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.