4 anyos na lalaki patay sa sunog sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2019 01:49 AM

Watch more in iWantTFC

Regi Adosto, ABS-CBN News

ILOILO CITY - Patay ang isang 4 anyos na lalaki sa sunog sa Barangay Rizal, Iloilo City Martes ng gabi.

Natagpuan ang bangkay ni Daniel John Peralta sa loob ng banyo.

"Duda kami na sarado ang pintuan kaya hindi siya nakalabas," ani Iloilo City fire marshal Christopher Regencia.

Sumiklab ang apoy pasado alas-9 ng gabi at mabilis na kumalat dahil pawang gawa sa light materials ang 3 bahay.

Nakaligtas ang mga magulang at 2 kapatid ni Peralta. Ayon sa kanila, mabilis na kumalat ang apoy kaya hindi nila namalayan na naiwan ang bata.

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog habang tinatayang nasa P75,000 ang danyos nito. - Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.