PatrolPH

Tsuper, patay sa pamamaril sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2018 05:38 AM

MAYNILA - Patay ang isang jeepney driver matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa Tondo, Maynila Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Angelito Samonte.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, pinagbabaril ang biktima habang nasa loob ng isang hinihinalang drug den sa Perla St. alas-10:30 ng gabi.

Inaalam na rin ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng 2 kasama ni Samonte na biglang nawala sa lugar.

Nakuha sa crime scene ang ilang pakete ng shabu at mga drug paraphernalia.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaslang. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.